andaming posts. di ko alam kung dapat ba ako magbackread. may dapat ba akong abangan? hay. wala lang
nagiisip pala ako na magbago ng tumblr account.pero hindi ko buburahin itong yeye-rn. sayang yung mga posts eh. wala lang
kausap ko na naman sarili ko.
magandang gabi bayan.
nung nauso ang tumblr, blogwalking na lang ang nagagawa ko, minsanan pa. di na ako nakapag-bloghop, yung tipong pupunta sa ibang blogs at makikibasa ng posts tapos magcocomment.
medyo hassle na kasi gawin. iisa-isahin mong pipindutin yung links nila para makarating sa blog nila at mabasa ang mga posts. sa tumblr kasi, isang backreading lang, mababasa mo yung mga posts ng mga finafollow mo. opo, nagbabackread pa rin ako hanggang ngayon.
pero nakaka-miss rin pala yung ginagawa noon sa old-school blogging. nararamdaman ko yung effort para mabasa yung mga posts ng mga kaibigan mo.
ayaw ko naman sisihin yung tumblr kung medyo nilalangaw na yung personal blog ko. haha. syempre iba yung tumblr, iba yung isa pang blog. dito sa tumblr, puro randomness ang pinopost. dun sa kabila, puro personal at kung hindi, mga Litratong Pinoy entries.
kaya siguro hindi na rin ako pumayag na ituloy ni @heymimay yung domain ko na datnet. nakisubdomain na lang ako.kaya humaba na yung URL ng blog ko. mysilentsanctuary.kundiman.net
haha. shameless plug.
makadalaw nga muna sa ibang blogs. :)
Un-following people here in Tumblr is a form of rejection. Personally, I have clicked the Unfollow button so many times. Therefore, I’ve rejected so many people here in Tumblr. On the other hand, un-following people does not denote end of friendship and the like.
Rejection, based on Encarta Dictionaries, denotes not accepting/keeping something. By un-following certain people, you are literally removing them from your Dashboard. You take away the chance of connecting with them. You withdraw the opportunity to see their thoughts and ideas. Categorically, un-following is simply un-following. There’s nothing personal about it, I guess. You just want to keep your Dashboard the way you want it to be. Hence, according to your own standards. I un-follow people because I have reasons which not everyone can understand. We have our own bases on why we un-follow people and it must be respected.
Yes, being un-followed by your treasured followers may really hurt you because rejection itself is quite spiteful. No one exclaimed that you are prohibited to feel upset when someone un-follows you. Personally, it is an initial reaction. Getting a bit hurt once you see that the number of followers has changed is normal. Just like in other forms of rejection, being hurt is normal. More so, I believe that everybody has experienced rejection; both being rejected and rejecting someone.
Rejection in actuality or real life is another question. Certainly, not everything that you post defines who you are. It is not enough that you label a person based on what you see in your monitor. Before you conclude what kind of person a blogger is, a lot of things should be taken into consideration. Oftentimes, you only see words and sentences which are facade of what a person really is.
Rejection is common in Tumblr. It is common everyday. Being hurt is common. You can never change the fact that hurting is part of life. It may sound pessimistic or cynical, but it is what reality articulates.
This is my opinion and I am wholeheartedly open for any kind of rejection. Thank you very much.
dahil hirap ako mag-english. tnx drex. thank you sooooo much.
18 notes (via codebluealert)
madami nagteteks sa akin nagtatanong kung yung signs and symptoms na nararamdaman ng kaibigan daw nila eh senyales ng pagbubuntis. masakit daw ang vajejey, baka daw buntis siya. sabi ko magpa-preg test na. di naman ako OB diba? haha. yun lang nasagot ko.
meron naman ngayon nagtatanong kung ano pwedeng maging epekto ng pagpapalaglag. yung kaibigan daw niya kasi..buntis..5 months na daw yung fetus. gagamitin daw yung pamparegla. panu tinakbuhan daw kasi ni lalake. papalayasin daw siya ng nanay niya.
sabi ko gudlak. di gagana yun. diba hindi? naging honest naman ako. sabi ko pag sinubukang iinduce yun, pati yung nanay madadamay. naalala ko tuloy yung naging pasyente namin sa EAMC. putek. pinalaglag yung anak. pati siya muntikan na malaglag sa purgatoryo ay este muntikan na mamatay dahil sa sepsis.
ewan ko ba sa mga kabataan ngayon. ginusto niyo ang sarap. magdusa ka. wag mo idamay yung anak mo. buhay ang kapalit niyan. sige kayo.
kung ako sa kanya ituloy na lang niya yung pagbubuntis niya at pag-naipanganak na niya, sikapin niya maging isang mabuting ina sa kanyang anak. habang may buhay mag-pag-asa. dibadibs?
Well, it would be really boring.
I wouldn’t have the chance to meet all the awesome tumblr people if we didn’t have the internet.
yeah. boring.
less communication sa Long-distance friends
at di ko makikilala ang mga online friends ko. lalo na siya
(Source: dysaphia)
124 notes (via eccentriclittlemiss & dysaphia)
bakit yung bulaklak sa kasal hinahagis tapos kung sino ang makasalo siya daw ang susunod na ikakasal..
bakit hindi kaya nila itry ihagis yung bulaklak ng patay para malamn din kung sino ang susunod na mamatay..
diba? para mapaghandaan.
hehe xD
************
makatulog na nga! bukas ulit. 4AM. kita-kitz sa dash.
wakekekeke
gudnayt pipol :)
kahapon talaga ang lakas ng trip ko. ang saya saya ko. tapos nahahawa pa ako sa mga workmate ko na kung mang-trip eh parang walang bukas.halos lahat na ginaga@g0 ko..yung med tech. yung rad tech. yung guard…yung isang bata naming pasyente. ewan bakit ang saya ko. nasimulan kasi ng napakagandang umaga kahapon. akalain mo yun. natrapik na ako sa slex pero ang saya ko pa rin.
kanina pag-gising ko ang saya ko parin. tawa ako ng tawa. bagtit.
bigla kong nasabi sa kaibigan ko na, “patay masama to”
kasi naniniwala ako na kapag sobrang saya mo, sa sunod, sobrang malungkot naman.
ang arte ko. andami kong alam. magiging malungkot na naman ata ako sa kaarawan ko. wag naman sana. sana maextend pa itong gv-ness ko hanggang sa aking araw.
Meet-ups are fun. I say this from the heart. I enjoyed it, yes. Tomorrow is a big day, I can see. 200+ people are coming. Wow, that’s all I can say.
I am not coming though. As if I’d be noticed. LOL. But kidding aside, don’t you think the population is a bit too much? I mean, would you care to…
Yeah I hafta agree with Ate Dani on this.
Mejo nagdadalawang isip talaga ako pumunta bukas dahil sa dami ng tao. Di ko din naman makakausap lahat ng 217 na yun, kung di lang siguro ako nangako sa mga kaibigan ko eh baka di na talaga ako pupunta at sumegway na lang ako sa ibang lugar :>. Malamang didikit lang ako kaila Jam, Robi, Prex, at kung sino pang katropa ko dito sa tumblr.
I’m pretty sure mahahati din tayo nyan sa maliliit na grupo. Expected na yan eh. Pero kahit na ganyan I’m pretty sure madami ang mag eenjoy lalo na yung mga first timers kaya good luck na lang sating lahat at sana naman eh wag umulan. :D
sabi ni @chiksilog, “mas gusto ko yung konte, mas intimate”
di ko rin alam kung bakit ako pupunta sa meet-up bukas. para makita ulit yung mga nameet ko noon sa gateway? atsaka nagbabakasakali na makita yung ibang finofollow ko.
sabi ko nga sa iba, baka makikiusi lang ako dun. punta don. tapos pag may tumawag sa akin, ayun na. haha.
:) sino ba kasi pupunta???? :) yung sigurado na. hehehe.
72 notes (via leonkevlar & ginahigugma)
noong 15 years old ako namulat sa pagbblog. noon ko rin nalaman yung mga salitang “bloghopping”, “exhange links”, at pagcocomment. di pa uso noon yung follow, reblog, notes, like etc.
noon, pag umabot ng line of 2 yung bilang ng nagcomment sa blog ko, masayang masaya ako.pati na rin kapag nailagay yung blog url ko sa links page ng isang blogger..masarap sa feeling.
naging issue na rin noon yung hindi pag-lalagay ng url sa links..hindi pagcocomment sa blog..blah blah blah.parang ngayon sa tumblr.
okay lang malungkot. ganyan din ako minsan eh. pero wag niyo na ipalandakan na “porket tumblr famous, hindi nagfofollow. uy wag ganun. :)
yung iba naman ang daing eh, “yung iba kahit tuldok lang ang ipost, ang dami nagla-like. pero pag yung post ko na mahaba wala man lang nagbabasa. wala man lang may nagrereply..”
mga bata, okay lang yan. pero ito sasabihin ko sa inyo…paglipas ng panahon at sa pagtagal niyo sa blogging industry…marerealize niyo rin ang kahalagahan ng pag-bblog. hindi ito tungkol sa comments/replies/likes/notes, sa link exchanges/follows..
okay na yung kahit isa o dalawa na nakakabasa ng rants mo na nasasabi mo lang online. atleast may handang dumamay sa yo sa panahong hindi mo makuha yung pagdamay na yun sa totoong kakilala mo..
lumalayo na ako sa topic. wahaha. pero kasi wag nang gawing big deal ang mga bagay bagay. nandito tayo sa tumblr para iexpress ang sarili natin. dibadibs?
at pakatandaan ang payo ni nars drex:
Pagbutihin mo ang pagpo-post para makita ng mga tao na karapat-dapat kang i-follow or i-follow back. Ang hirap kasi sa ilan, hindi lang napindot ang follow button, kung anu-ano na’ng sasabihin. Bakit hindi mo kaya muna tignan ang iyong pahina at tuklasin kung ano pang ikagaganda nito.
-@codebluealert
wag nang malumbay kapatid. hehe.
mag-blog ka lang. therapeutic yan. :)