i feel so blessed. our admin assistant asked me if i want to be a 2d-echo nurse.
WALA NG KEME KEME. GORABELLES NA!!!
sayang din yun. opportunity din. sagot nila ang training. wooooh thank You Lord.
at dahil diyan, matutulog na ako. mamaya na lang madalinga raw hehehe. gagamit na kapatid ko. duty ako bukas. keri lang :)
GUDNAYT :)
(via project-lyla, tintapao)
kelangan ko ata ito ipatarpaulin tapos ilalagay ko sa ceiling ng kwarto ko.
4,363 notes (via project-lyla-deactivated2011033 & tintapao)
hindi ito tungkol sa dating palabas nila joshua dionisio at….nalimutan ko na yung name nung batang babae. haha. nvm
srsly, first time ko maka-tanggap ng ganitong regalo sa aking kaarawan. actually, di ako masyadong nakakatanggap ng regalo noon pa. pero okay lang, mahirap na buhay ngayon eh.
pinaka-gusto kong natatanggap ko ay LETTER. lalo na yung personalized na halatang pinahirapan talaga.
ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. kasi karaniwan, ako yung pasimuno sa mga ganito. sa mga kaibigan ko. hehehe.

si @project-lyla ang naka-isip niyan. salamat talaga brad :)
salamat rin sa mga bumati.kahit di niyo ako kilala. haha :))
-txt ng aming admin assistant :)
yey.
pero tinatamad padin ako bumoto. hrhrhrhr
kahapon talaga ang lakas ng trip ko. ang saya saya ko. tapos nahahawa pa ako sa mga workmate ko na kung mang-trip eh parang walang bukas.halos lahat na ginaga@g0 ko..yung med tech. yung rad tech. yung guard…yung isang bata naming pasyente. ewan bakit ang saya ko. nasimulan kasi ng napakagandang umaga kahapon. akalain mo yun. natrapik na ako sa slex pero ang saya ko pa rin.
kanina pag-gising ko ang saya ko parin. tawa ako ng tawa. bagtit.
bigla kong nasabi sa kaibigan ko na, “patay masama to”
kasi naniniwala ako na kapag sobrang saya mo, sa sunod, sobrang malungkot naman.
ang arte ko. andami kong alam. magiging malungkot na naman ata ako sa kaarawan ko. wag naman sana. sana maextend pa itong gv-ness ko hanggang sa aking araw.
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
ANG SAYA SAYA KO ANG SAYA SAYA KO
repeat til fade
saktong alas-singko ako nakarating sa victory liner cubao terminal. nauna dumating si bez. pagkakita namin sa isa’t isa, agad naman kami sumakay ng bus papuntang alabang.
kamustahan. kwentuhan. kulitan sa bus. nakakamiss.
medyo nangapa kami pagbaba namin sa alabang. lakad dito. doon. at nakasakay kami sa tamang jeep. nakarating sa madrigal business park mga 5:30 ng umaga. mabilis lang pala biyahe namin hehe.
naghanap ng makakainan. wala kami nakita. bumalik sa zapote road at nakakita ng 7 eleven. busog. busog sa pagkain at sa kwentuhan :) namiss talaga namin ang isa’t isa. :)
bumalik sa MBP. nagpunta sa common goal tower.

ayaw ako papasukin nung bouncer ay este guard pala. yung applikante lang daw. eh sabi ko ihing ihi na ako. totoo naman. naki-cr ako. tapos nagbabay sa aking kaibigan. 8am nagsimula ang kanyang exam. at ako? pinalabas at tumambay na lang sa park.

upo sa bench. ilang minuto lang, di na ako mapakali. nilabas muli ang camera phone at nag-piktyur piktyur. me nakita akong lady bug kaso maliit. naaliw na naman ako sa macro shots. hohohoho.
bumalik ulit sa bench. humiga at nagsoundtrip. buti hindi matao sa nasabing park, di nakakahiya yung paghiga ko hahaha.
apat na oras ko rin hinintay si bez. i’m such a good friend diba? hahaha. nangamote daw siya sa exam. wah nawa naman makapasa siya.
after sa alabang, dumeretso naman kami sa makati para kunin yung training allowance ko. hahaha. natrapik kami!!!!!11 nasabi ko na lang, “BEZ, WELCOME TO MANILA” hahahaha
buti na lang naka-cash yung allowance namin.pumunta kami ng glorietta at naghanap ng makakainan. treat ko sana siya sa resto kasi nahiya na ako. mag-aalas dos na nun. sa jollibee na lang tuloy kami kumain. gusto kasi mag-rice. hehehe
nag-decide kami na umuwi muna sa bahay namin. nag-MRT kami. ayala-taft-quezon ave. round trip. hehehe. first time niya. nakakaaliw kasama. hahaha.
mga 4:30 na kami nakauwi dito sa bahay. pahinga. tapos tinour dito sa bahay. pinakita yung teddy bear ko na pinangalanan niya na adbot jr. parang anak namin kasi adbot rin kaming dalawa. eniweis. ayun. nagluto ako. tinola. first time ko magluto ng something para sa isang kaibigan. :)
habangnagluluto, biglang nagbrownout! candlelight dinner itey! haha. pero nagkakuryente rin after ilang minutes.
nagsimba tapos, hinatid siya sa cubao terminal. :)
nakakaaliw ngayong araw. feel na feel ko yung pagiging tourist guide ko. hehehe. well. first time ito na magkasama kami. kami lang dalawa. kami lang ng aking long distance bestfriend.
natupad na rin yung pangako ko sa kanya. siya kaya? kelan niya ako itotour sa baguio? kasi naman nung april hindi siya yung kasama ko. me gwardiya kasi eh hahaha.
siya ang isa kong kaibigan na talagang tinetreasure ko. aminado ako na nung nagka-gf siya, medyo nabawasan yung closeness namin. okay lang. ang mahalaga, ay nagtuturingan parin kami na mag-beszy. kahit na minsan lang magparamdam. pero sa oras na kelangan namin ang isa’t isa, sulit naman ang lahat.
otw na siya to baguio. ingatan siya nawa sa kanyang biyahe. mamimiss ko ng sobra ang aking beszy adbot no.2 (ako yung no.1 haha)

haggard is haggard. hehe. :)