kaya ayaw ko na noon magpakopya kasi nagkaroon ng instance na nagpakopya ako (major exam yun ang bait ko), tapos mas mataas pa yung score nung katabi ko. bv. hehe
(Source: fuckyeahragetoons)
2,036 notes (via fuckyeahragetoons)
tanggap ko na sa tuwing sumasama ako sa inuman, tubig lang ang naiinom ko. o kaya iced tea.
pero naglevel up na ako. pwede na ako mag-tanduay ice.
i missed my dutymates-slash-friends. gusto ko mag-aya ng get-together this christmas. tutal ako naman ang leader ng group. haha. kaso nakakahiya mag-aya. KKB na lang siguro. haha
pramis pag napili akong headnurse manlilibre ako. haha
bukas off ko pati sa biyernes. pinapapunta ako ni mama bukas sa FEU hospital para kunin yung request ng FBS ni papa. tapos sa biyernes naman eh may misyon akong gagawin. lol.
gusto ko sana ayain yung mga kaibigan ko nung college. drawing na lang kasi yung plano na mag-ho-hotdish kami tapos gala…miss ko na sila. bukas sana kaso….UBOS NA PERA KO.
na-out of budget talaga ako ngayon. ang dami ko ginastos. huhu. sinakripisyo ko muna yung kita ng autoloadmax business ko kaya salamat kay Lord nakakapasok parin ako sa training. hay. konting tiis yeye, malapit na mag-akinse.
@iamparadox, kelan ka ba pwede? haha. gusto ko na gumala bago pa mahuli ang lahat. hehehe.
next week sana :)
namimiss ko yung duty days. namimiss ko yung pag-tambay natin sa redbox tsaka hotdish. pati na rin yung sleep-over sa inyo. miss ko na yung pagiging CHILL mo, alam mo yun, kaming lahat toxic, tapos ikaw CHILLAX lang. :) miss na miss na kita jennie. :)
salamat sa lahat lahat. sa friendship. sa pagcomfort sa akin sa tuwing problemado ako. pasensya na rin kasi antagal ko nang di nagpapakita sa inyo.
sana matuloy na talaga yung gimik natin. calling attention of @iamparadox :)
i love you friend. wish you all the best. hope to see you soon. happy happy birthday miss jennifer kris nieva, RN :)
But it is a question of
“ha?!
Anu to?
Tinuro ba to?
Bat ganito?!”MINSAN NGA GANITO PA:
psssst!No.3 nga!
wag mong takpan!
gandahan mo naman sulat mo!
wag ka masyado pahalata!
wait nakatingin si sir!AND WORST OF ALL:
biglang may bumalibag na lukot na papel..
tatamaan ka…
magagalit ka pa!
GRASYA PALA! HAHAHAHA
di ako nun nangongopya. pero nagpapakopya ako. minsan. haha. kakamiss.
MAY QUIZ? LAKIHAN MO SULAT MO HA, TIMES NEW ROMAN, 64!! LOL
THE LAST TIME (full cover)
they were my classmates way back in college.
John Charles Eugene Natividad “JAII” and John Paul Absalon “POPE”
ang pogi talaga ng boses… :)
alam niyo bang maliban sa pagiging nurse, pinangarap ko rin noon maging teacher. grade 2 palang ako, naglalaro kami ng kapitbahay ko ng teacher-teacheran. ako teacher syempre. yung notes ko sa skul, yun yung tinuturo ko. hahaha. naging sunday school teacher rin ako noon. masaya ako magpa-photocopy ng drawing na kukulayan ng mga estudyante ko noon.nagpapaexam rin ako. hehehe
kaso biglang nawala sa pangarap ko yun nung sinabihan ako ni mama na mahirap daw maging teacher. tapos maliit din sweldo. tapos pasway pa daw mga estudyante.
kung ako papipiliin, gusto ko maging highschool teacher. ang cool kasi. gusto ko ako yung tipo na kabarkada lang ako ng advisory class ko. idol ko noon mga naging adviser ko noon, kasi naging kaclose ko sila. nakaka-biruan ko. tapos tuwing christmas party andami pa nilang natatanggap na regalo galing sa mga estudyante. haha
bilib na bilib ako sa mga guro. lalo na dun sa mga talagang nag-iwan ng marka sa aking memorya. yung mga di ko malilimutan. sa lahat ng propesyon, sila ang kinabibiliban ko. hindi tayo magkakaroon ng doktor, nars, inghinyero, accountant, lawyer, atbp kung wala ang mga guro.
saludo ako sa inyo!

si sir wacks :) (3rd yr adviser)

ma’am sicad, TLE teacher

si ma’am santy (4th year adviser)

ma’am dhang (1st year college adviser, Psychology prof)


mr. emerson aliswag, MedSurg prof
sir jolly, CI and psychiatric nsg reviewer.

sir benito, ER nurse, CI and class adviser 3rd yr college

sir aries, 4th yr college adviser.:)
madami pang iba…sayang lang wala ako gaanong litrato kasama ng mga elementary teachers ko.
pero sa totoo lang, pwede ko pa rin naman ituloy ang aking pangarap na maging guro. pero kelangan ko pa ulit mag-aral ng dalawa o mahigit pang taon. masterals. gusto ko rin maging CI someday. gusto ko magturo. gusto ko mag-share ng aking nalalaman sa ibang tao. :)
muli, Happy World teacher’s day sa lahat ng mga guro. PALAKPAKAN!!!

ianne, igi, and irish yeye- the three I’s. sila yung pinaka-close ko noong 4th year higschool :)

mga classmates ko nung 4th year. di na nila maalala kung ano ginawa namin nun. sabi ko, gumawa kami nun ng science project sa bahay ni ganito. bilib sila sa lakas ng memory ko. (P.S. alam ko pa kung san kami niyan nagpapiktyur - sa Photoline, sa Fairview center mall haha)

after nung grad pictorial.:)

first year college sa SMF :)

nakaka-miss magpa-studio pic. :) di na kasi gaano uso ngayon gawa ng nauso ang camera phone at digicam…lalo na’t dumarami na ang may SLR. pero iba pa rin yung ganito. yung iba-ibang background. tapos may mga props pa haha
yung una at ikatlong litrato, wala na ako copy nun. panu, ninakaw yung pouch ko noon. andun wallet ko na mala-photoalbum. iniyakan ko yun. pramis.