kaya ayaw ko na noon magpakopya kasi nagkaroon ng instance na nagpakopya ako (major exam yun ang bait ko), tapos mas mataas pa yung score nung katabi ko. bv. hehe
(Source: fuckyeahragetoons)
2,036 notes (via fuckyeahragetoons)
last year nung una kong matikman ito. sa christmas party sa hospital. halos lahat ng kasamahan ko, nalasing. ako nagaalalay sa kanila sa CR sa tuwing maiihi sila. kinakausap ko sila na para rin akong lasing. kinabukasan, di na nila maalala yung mga pinagsasabi nila. ako alam ko pa. pero sabi ko naman secret na lang yun.
kasalukuyan, napapansin ko dito sa tumblr ang mga lasing moments ng mga tao. alak pa. sige. tagay. kampay.
kagabi, matapos ko gumawa ng eksena sa bahay, nagkulong ako sa kwarto at nagiiyak. bigla ko naisip si tanduay ice. sabi ko, gusto kong uminom
pero sa totoo lang, never ko pa naranasan yung magpakalasing kasi problemado ako. at sa palagay ko, ayaw ko maranasan. mahirap kasi yung baka may masabi ako bigla bigla. baka mabuko mga sikreto ko. lol
di ako mahilig uminom ng alak. pero namimiss ko si tanduay ice. kering keri inumin. :) mura lang yan sa 7 11 diba? :P
last year bago kami nun umuwi sa iloilo. nagtext sa akin tito ko.
tito: ye, nakalimutan kong palagyan ng Sr. yung pangalan ni lolo mo dun sa lapida niya
ako: ngek. eh anung ginawa mo?
tito: sinulatan ko gamit ng pentel pen
pag-dating namin dun, yan ang nakita ko.
ako: JR???? diba dapat SR??? kelan ka pa namatay ha tito? kelan pa??!!!11
dati, tinatanong ko si mama kung nagcelebrate ba ako ng 1st bday ko. kasi yung dalawa kong kuya, may litrato noong ika-unang kaarawan nila. samantala ako wala.
sabi daw oo. pero sa manila zoo at jollibee daw kami non nagcelebrate. wala daw silang budget.
kaya nung 7th bday ko, naghanda kami nun. :)
nasundan yung malaking handaan noong last year, 21st bday ko. debut ko yun haha tapos kasama yung celebration sa pagkapasa ng board exam. o diba sulit? haha.
Happy Cakeday sa akin :)
sabi ng bestfriend ko, di ka na daw nagseseryoso pagdating sa pag-ibig. ipinapadama niyo talaga na ako ang dahilan kung bakit ka nagka-ganun. pero buti na lang di ko madama kasi, mag-iisang taon na kayo ng jowa mo, tapos hindi seryoso? mga kumag kayo.
sa totoo lang, ayaw kitang batiin. nagtatampo pa ako sayo. ang sama kasi ng ugali mo. talagang pinaparamdam mo sa akin na di na tayo pwede maging magkaibigan ulit. pero ayus lang. parang ayaw ko na rin naman. di ko na isisiksik ang sarili ko sayo. nagmumukha lang akong tanga eh.
pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil naging parte ka ng buhay ko. madami akong natutunan nung naging tayo. naging mas matibay akong tao nung iniwan mo ko. madami akong narealize nun. salamat
kahit natutuwa ako sa pelikulang ONE MORE CHANCE, hinding hindi ko yun iaapply sa ating dalawa. sapat na yung noon. at ayaw ko na maulit pa. gaya ng sabi mo, makakahanap rin ako ng lalaki na mas magmamahal sa akin ng lubos. o sige sabi ko.
alam kong hindi mo to mababasa pero pinagdadasal ko na ingatan at pagpalain ka pa ni Lord sa araw araw. nawa maging masaya ka ngayong araw mo.
bukas. ako naman.
maligayang bati oliver.
p.s. salamat sa fs sa pic. august 2008. ang jubis ko
isang tao ang unang naalala ko sa tuwing sumasapit ang ika-27 na araw ng oktubre. si jolas. ang aking first ever online friend.
year 2003, nagkaroon kami ng free internet connection (c/o CSB) dito sa bahay. noon ako natuto mag-email, mag-friendster, at makipag-chat. nahumaling ako noon sa mIRC at sa Y!M
pumapasok-pasok ako noon sa mga chatrooms sa Y!M. sa mga international rooms pa para masaya. para walang gaanong pinoy.
isang araw, may nag-PM sa akin. ASL PLEASE. 15FPhilippines. nagulat siya sa asl ko. english english pa kami nun. biglang “weh taga pilipinas ka?” haha. ayun dun na nagsimula ang lahat.
naging madalas yung pag-cha-chat namin. basta third year hs na ako nun…tapos nung nagkaroon ako ng cp nung 4th yr ako aun…txt txt. di pa uso unli nun. minsan tinatawagan pa ako kasi naka-line siya. ayun. super friends kami noon. hanggang mag-college.
naging busy-busyhan sa college. nagkalimutan na. hehe. tapos bigla na lang ulit kami naging magkachat. 2008 yun. sa eastwood daw siya nag-o-ojt. at yun..nagpasya kaming magkita. for the first time. taga lucena kasi siya eh. kaya ayun na yung pagkakataong nagkita nga kami.
sa gateway kami nun nagkita. kwentuhan. kumain. saglit lang yun kasi umuwi rin siya sa LB.
eh may BF kasi ako nung panahon na yun. tapos siya, may gf. kaya di na kami gaano nagkakatext-an at chat. inshort, nagkalimutan na hehe.
siguro hanggang ngayon, may GF parin siya. kasi kung wala, baka naalala niya pa ako. ganun kasi siya. nalilimutan ako pag may jowa siya. tapos pag wala na, magpaparamdam na ulit sa akin. okay lang. ganun naman talaga eh. fallback eh? LOL
viniew ko ulit yung fs niya. hindi updated. hinanap ko siya ngayon sa fb, mukhang hindi rin updated. gusto ko sana siyang batiin pero paano?
namimiss ko na siya. para ko na rin kasi siyang kapatid noon. noon wala pa akong blogfriends nun, sa kanya ako nagoopen ng mga problema ko. basta..mabait siya. namimiss ko tuloy yung panahon na nag-e-exchange ecards pa kami nun via americangreetings. hehe.
kamusta na kaya siya? siguro may asawa na siya. haha
kung sakaling igoogle niya ang pangalan niya, sana mabasa niya to:
HAPPY 22nd BDAY JOLAS ARVIN LAURELES :)
Hoy Carmen!
Crayon Shin Chan was aired here in the Philippines on Channel 13 in early 00s, having rapper Andrew E. as the dubber for Shin Chan. It’s kind of bastos, but humorous. My brothers and I liked watching this (after Who Wants To Be A Millionaire yata)
INFO:
Crayon Shin-chan (クレヨンしんちゃん Kureyon Shin-chan, also known as Shin-chan) is aJapanese manga and anime series written by Yoshito Usui.
Crayon Shin-chan follows the adventures of five-year-old Shinnosuke “Shin” Nohara and his parents, neighbors, and friends and is set in Kasukabe, Saitama Prefecture, Japan. [via]
I JUST HAD TO.
this be my favoritest anime second to doraemon :))
ELEPANTE BOY..PARANG PATOTOY. HRHRHHR
139 notes (via epicnephrine & kidaokagee)
But it is a question of
“ha?!
Anu to?
Tinuro ba to?
Bat ganito?!”MINSAN NGA GANITO PA:
psssst!No.3 nga!
wag mong takpan!
gandahan mo naman sulat mo!
wag ka masyado pahalata!
wait nakatingin si sir!AND WORST OF ALL:
biglang may bumalibag na lukot na papel..
tatamaan ka…
magagalit ka pa!
GRASYA PALA! HAHAHAHA
di ako nun nangongopya. pero nagpapakopya ako. minsan. haha. kakamiss.
MAY QUIZ? LAKIHAN MO SULAT MO HA, TIMES NEW ROMAN, 64!! LOL
year 2004, 16th bday.
first time ko manlibre.

sa MCDO. noong 50 php palang yung burger mcdo meal.
sorry sa pic. pic na piniktyuran. di pa kasi masyadong uso nun yung digicam. hehe