I am fearfully and wonderfully made. Psalm 139:14

welcome to my abode!

I am yeye. 20-something. Registered Nurse.
Pinay. Frustrated Photographer.
A worshiper. A friend. A random person.
Food lover. Music lover.
Loves to sleep and dream.

i also blog here.
and this is my PHOTOBLOG.
you can talk to me HERE.

Posts tagged pusanggala

Nov 12 '10
joshua (pusa): palimos po ng pagkainpapa: wala na ubos na. :P

joshua (pusa): palimos po ng pagkain
papa: wala na ubos na. :P

Tags: pusanggala bahay family hayop haha

Nov 5 '10
mehehehehe.kyot

mehehehehe.kyot

Tags: cute pusanggala dashboard coincidence fierceseduction laya

Nov 3 '10
meow.

meow.

Tags: dashboard coincidence cute nagparaya pusanggala

Oct 24 '10

akala mo nakakatawa, ang sakit kaya :(

domz: ililibre ako ni mayan ng betamax mamaya
ako: huhu. konti lang nakain ko
domz: bakit?
ako: ninakaw nga nung pusanggala naming pusa yung isang stick ng laman na binili ko. nagtira pa siya. hay.
domz: haha

di na ako nagreply kasi ngayon na nga lang ako naka-bili ng bbq sa kanto namin, biglang nakisawsaw pa yung pusanggalang pusa namin. yung isaw lang ang iniwan. choosy. laman pa talaga tinira.

i iz sad.

Tags: pusanggala bahay katakawan kptd convo bv

Oct 24 '10
I JUST HAD TO.
xD

I JUST HAD TO.

xD

(Source: snowflaik)

19,040 notes (via mattchix & snowflaik)Tags: haha gif pusanggala domo cute

Oct 20 '10

(Source: iwannarave)

9,431 notes (via confessionrelease & iwannarave)Tags: haha pusanggala

Oct 19 '10
wahahaha
AVRIL LAVIGNE YEAH!

wahahaha

AVRIL LAVIGNE YEAH!

9,259 notes (via xdy & donniedies)Tags: haha sk8r boi so j3j3mon kanta pusanggala

Oct 11 '10

I AM HAPPY

maganda gising ko kaninang umaga. kahit na 4 hours and 15 minutes lang tulog ko. ang sarap ng gising ko. nagluto pa ako ng san marino corned tuna omellete pero dahil nga sa sobrang saya ko, half lang nakain ko. di ko alam kung bakit.

basta maganda gising ko. di na ako nag-internet kaninang umaga kasi baka matukso na naman ako nitong tumblr at baka maleyt na naman ako. 6:30am ako umalis sa bahay. petiks lang. LUNES eh. masyadong maaga para sa 8:30 na call time.

as usual tulakan sa MRT. pero smile parin ako. pati mga nakakaharap ko nagismayl na rin.

sabi kanina sa PERSONALITY DEVELOPMENT, happiness is contagious.tapos pag sinimulan mo ang araw mo na masaya ka, buong araw ka masaya.

masakit padin legs ko pero keri lang. masaya. masaya yung buong araw. umuwi ako at nag mrt. happy parin.

kaso ngayong pag-uwi ko eh biglang nagpaparamdam si BV. bweset kasi yung pusa, ninakaw yung giniling na binili ni papa sa carinderia para sa kapatid ko. ako na naman sinisi ni mama kasi di ko man lang daw napansin. eh yung pinsan ko kasi lumapit sa akin dito sa pc para magpa-load. di niya ata naisara yung pinto.

ako yung sinisisi. pero sabi ko pa rin sa sarili ko I AM HAPPY.

kani-kanina lang, tinatanong ako ni mama kung bakit late na ako nakauwi. eh nabwisit na nga niya ako kaya nagtaray na ako. ngayon naman hinahanap niya sa akin yung finisher’s band niya.

sabi ko kinuha ni papa. di daw niya makita. tapos maya-maya nakita na ni papa. tinatawag ako ngayon ni mama sabi “YE, KITA MO TO SI PAPA MO”

sabi ko “wag niyo ako kausapin”

HAPPY KASI AKO EH.ayaw ko nang ma-bv pa. as much as possible gusto ko matulog na happy ako. hehe

bv go away.

Tags: gv bv happy family pusanggala rant

Oct 2 '10

behave na si joshua

yung pusa na naikwento ko dito

kung noon, sa tuwing nagluluto ako sa dirty kitchen namin, gumagawa siya ng paraan para magnakaw ng pagkain, kahit yung mismong nakasalang sa pagkain kayang kaya niyang nakawin. keber kung mainit. matinik na pusa.

pero ngayon, eto ako ngayon at nakakagawa ng post sa tumblr. hinahayaang kumulo yung nilulutong adobo. at si joshua? ayun. tulog sa ilalim ng mesa nila tita.

bati na kami. may isip rin pala ang mga pusa. hehe. :)

2 notes Tags: pusanggala now cooking dyarya

Oct 1 '10

pusanggala ulit.

ang kyot ni Joshua, yung pusa ni clarence.

pagbaba ko ng hagdan, may biglang kumalabog. pagbukas na pagbukas ko ng ilaw, nakita ko yung pusa sa mesa namin. hinabol ko agad ito.

tumakbo agad yung pusa pataas dun sa 2nd floor. sa may bintana. kaso sarado yung bintana.

nagtataka ako kung paano siya nakapasok sa bahay namin.

binuksan ko para sa kanya yung bintana kaso ayaw niya lumabas. nakasabit lang siya sa bakal. takot na takot sa akin.

bigla ulit siya tumakbo. nagtago. di siya makalabas kasi nga naman sarado lahat ng lagusan dito sa bahay namin.

nakita ko siya sa ilalim ng hagdan namin at takot takot. “meow meow” sabi niya. siguro nagmamakaawa at sinasabing “wag po wag po”. kitang kita sa mata niya na takot na takot siya.

ang malupit kong pagkatao ay biglang nagbago. lumambot ang aking puso sa pusang nagmamakaawa.

kinuha ko yung isda na nanakawin niya sana at sabay sabi

“halika ka na labas ka na, sama ka na sa akin, di kita sasaktan”

ayaw pa niya sumama, pero kinuha ko siya. ang lambot ng balahibo niya. buti di niya ako kinalmot. inilabas ko siya at sabay abot ng isda.

mabait naman itong pusa na ito. di tulad nung gusgusing pusa na nagnakaw ng paksiw ni papa kahapon. tutugisin ko pa yun. humanda siya.

MAGANDANG UMAGA SA LAHAT

Tags: dyarya pusanggala cute