ikaw,
di mo naman akong direktang nasaktan pero sa mga nakikita ko, nagbibigay ito ng konting kirot sa aking puso.
ang iyong fan girl,
yeye :)
because falling in love and catching someone’s heart is obviously unsterile :P
andaming posts. di ko alam kung dapat ba ako magbackread. may dapat ba akong abangan? hay. wala lang
nagiisip pala ako na magbago ng tumblr account.pero hindi ko buburahin itong yeye-rn. sayang yung mga posts eh. wala lang
kausap ko na naman sarili ko.
magandang gabi bayan.
kaya pala wala na nakakabisita sa isa kong blog kasi nalimutan kong iremind yung mga friends ko na nagpalit na ako ng URL. kagabi ko lang naalala. eh para san pa? di na rin kasi masyado uso yung “i changed my URL blah blah blah” at akala ko kasi nakaredirect parin yung idlip.net to mysilentsanctuary.kundiman.net
di rin pala masyadong nakaka-overwhelm pag nasabihan ka na may hawig ang post mo sa mga sulat ni bob ong. ang awkward. oo, nakakatuwa sa kabilang banda..pero alam ko sa sarili ko na hindi hindi ko mapapantayan si master BO. *samba*. pero salamat parin sa nagsabi nun. :) may nakaka-appreciate pa pala kahit papaano ng mga nonsense posts ko dun sa kabilang bahay ko.
andami ko na naman nasabi. pasensori. aalis kasi ako. seeyou tomorow :)
mukhang kelangan ko na pala uminom ng loperamide. huhu.
nahahawaan niyo ako. hay
may nag-deactivate. dalawa. isa si jhie. hindi ko alam kung sino pa yung isa.
hay buhay. buti pa yung wetpaks ko nasa mood. araw araw na ako nag na-no.2. loose ang stools ko ngayon :|
kung naging lalaki siguro ako, malamang namatay na ako sa ka-torpe-han
bigla ko lang nakita sa photo album ko.
naalala ko tuloy yung may-ari ng baso na iyan. nagresign na siya sa edsa-shang branch.
top 8 nga pala siya nung june 2009 NLE. 85% board rating niya. kelan ko lang nalaman. chinismax lang ng isa nilang kasamahan
sayang di ko siya na-bow
*samba*
nung nauso ang tumblr, blogwalking na lang ang nagagawa ko, minsanan pa. di na ako nakapag-bloghop, yung tipong pupunta sa ibang blogs at makikibasa ng posts tapos magcocomment.
medyo hassle na kasi gawin. iisa-isahin mong pipindutin yung links nila para makarating sa blog nila at mabasa ang mga posts. sa tumblr kasi, isang backreading lang, mababasa mo yung mga posts ng mga finafollow mo. opo, nagbabackread pa rin ako hanggang ngayon.
pero nakaka-miss rin pala yung ginagawa noon sa old-school blogging. nararamdaman ko yung effort para mabasa yung mga posts ng mga kaibigan mo.
ayaw ko naman sisihin yung tumblr kung medyo nilalangaw na yung personal blog ko. haha. syempre iba yung tumblr, iba yung isa pang blog. dito sa tumblr, puro randomness ang pinopost. dun sa kabila, puro personal at kung hindi, mga Litratong Pinoy entries.
kaya siguro hindi na rin ako pumayag na ituloy ni @heymimay yung domain ko na datnet. nakisubdomain na lang ako.kaya humaba na yung URL ng blog ko. mysilentsanctuary.kundiman.net
haha. shameless plug.
makadalaw nga muna sa ibang blogs. :)